Pages

Tuesday, September 4, 2018

Tatlo

Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Ana at si Junjun. Labingdalawang taong gulang ako noon. Si Ana, sampu. Si Junjun ang bunso, limang taon. Kapag naglalaro kami, ako palagi ang taya. Sabi kasi ni Nanay noong nabubuhay pa siya, panganay ang dapat magbigay... o magparaya kung kinakailangan. Kaya kahit mahanap ko sila kapag nagtatagu-taguan kami, ako pa rin ang sunod na naghahanap, at naghahanap ulit. 

Sa masikip na eskinita kami madalas maglaro. Kahit nasisigawan kami dahil hindi makadaan ang mga gustong dumaan, tuloy pa rin kami. Isang beses, tinapunan kami ng isang baldeng tubig dahil maiingay raw kami. Imbes na matakot, nagtawanan pa kami. Sabay takbo sa bahay para mag-shampoo at magsabon, nakatipid kami sa tubig, libre ang unang buhos.

Tatlo kaming magkakapatid. Tatlo rin kaming gumagawa ng kwintas na sampaguita at nagtitinda sa tapat ng simbahan. Si Ana ang palaging may pinakamaraming benta. Bibo kasi siya at magalang makipag-usap sa matatanda. Si Junjun naman ang pinakamaloko. Kapag nakabenta siya ng isa, tumatakbo na siya sa tindahan para bumili ng candy.

Sinasaway siya ni Ana. "Ibibili natin 'yan ng bigas!" pangaral nito. Hanggang sa magtatalo na ang dalawa kaya pumapagitna na ako. Binibigyan ko ng tigpiso ang dalawa. Itinatabi ko ang sobra para maibili ng pagkain. 

Tatlo kaming magkakapatid. Tatlo rin kaming nagsisiksikan sa iisang papag at nagsasalo sa iisang kumot. Kapag malamig, nagyayakapan na lang kami para uminit. Kapag mainit, ibinabato nila sa 'kin ang kumot. Naisip naming dahil sa kababato kaya nawala ang kumot namin isang araw. Nag-iisa na nga, nawala pa. Malapit pa naman nang mag-Pasko, lalamig na naman ang simoy ng hangin. Muntik na naming baligtarin ang bahay naming yari sa pawid para lang mahanap ang nawawalang kumot. Hanggang sa makita namin ang kapiraso ng kumot sa ilalim ng kaldero. Nagdikit pala si Tatay ng apoy, isinama ang kumot, lasing kasi siya. Ano pa bang bago? Lasing naman siya palagi. Wala na kaming nagawa kundi matulala. Nagyayakapan na lang kami sa bawat gabing maginaw. 

Tatlo kaming magkakapatid at tatlong beses sa isang araw kaming kumakain ng pagpag. Pagpag ang tawag sa mga pagkaing galing sa basurahan at literal na ipinapagpag para mapakinabangan. May nagtitinda ng pagpag sa harap ng bahay namin. Kapag may kita galing sa pagtitinda ng sampaguita, doon kami bumibili ng pagkain. Iniinit kasi nila ang pagpag bago ibenta kaya mas masarap. Kapag walang benta, dumidiretso na lang kami sa basurahan.

Sinasabi ko sa mga kapatid ko, "Kapareho lang naman 'yan ng kinakain natin, ang pinagkaiba lang, niluluto ulit 'yung nabibili kina Aling Ising. Pero pareho lang, pagpag din." Tumatango lang sila bago muling kakain nang tahimik.

Kahit kailan, hindi sila nagreklamo. Kahit kailan, hindi sila naghanap ng mga bagay na wala kami.

Tatlo kaming magkakapatid. Tatlo kaming halos araw-araw nakakatikim ng palo at suntok mula kay Tatay. Magagalitin kasi siya. Kapag hindi nasunod ang utos, may palo. May nasunod ang utos pero mabagal, may palo. Kapag mabilis na nasunod ang utos pero nakarinig siya ng reklamo, may palo. Kapag naman lasing siya at nadatnan niyang walang pagkain sa mesa, sinusuntok niya kami isa-isa. Dumating sa puntong wala nang umiiyak sa 'min kapag pinapalo o sinusuntok niya. Kahit si Junjun na sipunin at iyakin, naubusan na yata ng luha. Manhid na kami, manhid na.

Tatlo kaming magkakapatid. Tatlo kaming sabay-sabay nangarap na balang-araw, makakaalis kami sa lugar na iyon at bubuo ng panibagong buhay. Balang-araw, makakapag-aral din kami. Magkakaro'n kami ng sari-sariling pamilya, tig-iisang kumot, malambot na kama, magandang bahay at kakain nang masasarap na pagkain araw-araw. Tatlo kaming nagdarasal na sana, totoong may Diyos, na sana may nakikinig sa 'min, na sana, magandang buhay ang naghihintay sa 'min sa hinaharap.

Tatlo kaming magkakapatid. Ako, si Ana at si Junjun.

Tatlo kami...

Tatlo.

Pero ako na lang ang natira. 

Nangyari ang lahat sa loob lang ng isang gabi. Isang gabing wala ako sa bahay dahil pinili kong tumulong sa isang kapitbahay sa pagtitinda ng kakanin para sa unang simbang-gabi. Ni hindi ako nagpaalam sa mga kapatid ko bago ako umalis. Iniwan ko silang magkayakap at payapang natutulog.

Wala sa hinagap kong kabaligtaran ang madadatnan ko pag-uwi.

Si Ana, walang saplot, putol ang kanang braso, may sugat sa ari at sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Si Junjun, may busal ang bibig, nakabitin patiwarik, tadtad ng saksak mula ulo hanggang paa.

Nagdilim ang paningin ko. Kinuha ko ang unang matigas na bagay na nadampot ko at nagsisigaw sa gitna ng kalsada.

“Putang ina! Napakahayop ng gumawa nito sa mga kapatid ko! Putang ina mo, harapin mo ‘ko!” Humikbi ako, nanginginig ang buong kalamnan.

May mga lumapit, may mga nagtanong, may mga agad na nakiusyoso sa loob ng bahay. Kumalat ang balita. Naglabasan ang mga tao—nagbulungan, nag-ilingan.

“Putang ina.” Nanghihinang napaluhod na lang ako sa semento. “Tatlo kami, e. T-tatlo kami.” Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha, sinamahan ng uhog at laway at pagkabalisa.

Bumuhos ang matinding ulan. Tila hudyat na maging ang langit, nagdadalamhati sa brutal na pagkakapatay sa dalawang inosenteng anghel na wala namang ibang kasalanan kundi mabuhay sa isang mundong puno ng mga halimaw at demonyo.

Gustong-gusto kong isigaw noon ang mga salitang, ‘tama na.’ Gusto kong magmakaawa sa mundong huminto muna siya at hayaan akong huminga. Pero katulad ng ibang dumaan sa parehong estado at emosyong pinagdaraanan ko, hindi ako pinagbigyan ng mundo.

Nagsimulang lumipas ang mga taon. Nanatiling sariwa sa utak ko ang mga kaganapang bumago sa buhay naming tatlo.

Malaking parte ng pagkatao ko ang namatay kasama ng mga kapatid ko. Mahirap iraos ang bawat araw pero ang pinakamahirap lagpasan ay ang unang dalawang taon ng pagkawala nila. Palagi akong wala sa sarili,  hindi na ako makangiti, hindi ako makaramdam, para akong buhay na patay. Gabi-gabi akong umiiyak, hindi pinatutulog ng mga bangungot. Nakikita ko sila—duguan, humihingi ng tulong, nagmamakaawa.

Naisip ko noong sana, hindi na lang ako umalis nang gabing ‘yon. Sana, kasama na lang nila akong namatay sa kamay ng isang demonyong lulong sa pinaghalong alak at droga. Sana, hindi ako naiwang mag-isa sa mundong ito.

Pero nalaman ko rin ang dahilan kung bakit nakaligtas ako sa insidenteng iyon. Para iyon sa isang partikular na araw, para makita mismo ng dalawang mga mata ko kung paanong labintatlong taon pagkatapos ng malagim na pangyayaring iyon, nakamit namin ang hustisya.

Gamit ang malamlam na mga mata, tiningnan ko ang puting kabaong habang unti-unti itong ibinabaon sa lupa kung saan ito nababagay. Hindi man ganitong klaseng hustisya ang inaasahan ko, naisip kong siguro, mas mabuti na rin ‘to. Hindi naman kasi umuusad ang kaso ng mga kapatid ko gamit ang batas na binuo ng mga tao. Pakiramdam ko, kahit ang langit, nainip na. Kaya ibang batas na ang umiral at nagbigay ng kaparusahan—batas ng mas nakatataas.

Sa araw na ‘yon, namatay ang may sala… namatay si Tatay.

Masama na kung masama pero sa mga sandaling iyon, matapos mailibing ang taong imbes na maging haligi ng tahanan ay siya pang sumira nito, muling sumilay ang totoong ngiti sa mga labi ko.

Pinagbigyan na ‘ko ng mundo.



Sunday, February 5, 2017

Friday, March 6, 2015

Ang Nawawalang Effort





          Sa 'yo X,


          Sabi mo limang taon na kayo ng nobyo mo. Nakakatuwa, masaya ako para sa inyo. Sa panahon ngayon kung kailan ilang linggo na lang ang itinatagal ng forever, heto kayo't pinatutunayan na may magkasintahan pa ring taon ang inaabot at hindi isang linggong pag-ibig lamang. Nang sabihin mo ngang mahal mo siya at mahal ka niya, napangiti ako nang wagas. Ramdam ko, e. Tagos. Sa dami ba naman ng emoticon na ginamit mo sa chat para maiparamdam sa 'kin ang pagmamahalan ninyo, hindi pa ba ako maniniwala? 

          Pero aaminin ko sa 'yo, napangiwi ako nang sabihin mong gusto mong maging smooth ang relasyon n'yo. Sabi ko sa sarili ko, naku ito na, siguradong may problema. Hindi mo naman kasi sasabihin 'yon kung walang bato sa dinaraanan n'yo. At ayun nga, tama nga ako, tuloy-tuloy mo nang sinabi na minsan nalulungkot ka dahil hindi mahilig mag-effort ang nobyo mo. Na minsan pakiramdam mo wala ka lang sa kanya, na kapag anibersaryo ninyo, babati lang siya tapos wala na. Walang bulaklak, tsokolate o kahit sine man lang. At kapag hindi kayo nagkikita nang matagal, todo text ka sa kanya, siya, magte-text lang 'pag naisipan niya. 

          Pero kung may tumatak man sa 'kin sa lahat ng sinabi mo, ito 'yon, "Hindi ba dapat give and take kami? Bakit pakiramdam ko ako lang ang nagbibigay, tapos siya, tanggap lang nang tanggap? Ano'ng gagawin ko?"

          Ano'ng dapat mong gawin? Teka, ang hirap naman, hindi naman talaga ako magaling magpayo. Pero pipilitin ko, at sana nama'y makatulong ako sa 'yo...

       
          Sa totoo lang, naiintindihan ko kung bakit gusto mong maging smooth ang relasyon ninyo at kung bakit ka naghahanap ng effort mula sa kanya. Gusto mong maramdaman na mahalaga ka sa pamamagitan ng mga bagay na ginagawa niya para sa 'yo, hindi ba? Gusto mong makita na hindi lang ikaw ang gumagawa ng paraan para tumagal kayo. Gusto mong madama na dalawa kayong kumikilos sa relasyon na binuo n'yo. Hindi lang naman ikaw ang may gusto ng gano'n, lahat yata ng nagmamahal, may minamahal, o gustong magmahal ay gan'yan ang gusto. Isang pag-ibig na halos perpekto. 

          Pero wala naman kasing perpekto. Kahit gaano ka-cliché pakinggan, 'yan ang totoo. Kahit gaano mo kagustong maging swabe ang lahat, tipong walang problema kahit kailan, walang hadlang, happy lang, hindi pwede 'yon. Mayro'n at mayro'n pa rin talagang magiging problema... at ang sa inyo nga ay ang pagkukulang niya sa effort

          X, ang effort na 'yan, sobrang laking salita n'yan (hindi literal dahil pareho lang naman ang font size na ginamit ko sa salitang 'yon at sa iba pang mga salitang tinitipa ko ngayon.) Ang effort, madalas hanapin ng mga tao, tulad mo, na para bang isa iyong batang mahilig maglayas 'pag napagalitan. Ang effort, gustong-gusto natin 'yang maramdaman. Nakakahaba nga naman kasi ng buhok kapag may isang taong ginagawa ang lahat para sa 'tin. 

          Pero ang kawawang effort, madalas nand'yan lang, hindi lang makita dahil abala tayo sa pagtanaw at paghihintay sa ibang mga bagay, sa malalaking mga bagay. Ngayon, tatanungin kita, ano ba ang depinisyon mo sa salitang effort? Madalas kasing d'yan nagkakatalo ang mga tao, sa depinisyon. 

          Tulad ng pag-ibig, maaring sabihin mo na ang depinisyon ng pag-ibig ay pag-ikot ng mundo, pagtibok ng puso, pagpula ng pisngi at pagkautal ng dila, pero kung siyentipiko ang makakarinig sa 'yo ay baka mabatukan ka lang niya at bigyan ng mahaba-habang eksplanasyon kung bakit umiikot ang mundo, tumitibok ang puso, pumupula ang pisngi, at nauutal ang dila, saka niya isasampal sa 'yo ang katotohanang para sa kanya, walang kinalaman ang pag-ibig sa mga pangyayaring iyon.

          Kaya X, ano ba sa 'yo ang effort? Iyon bang dapat may matatanggap ka tuwing darating ang mga espesyal na petsa sa buhay ninyo? Iyon bang dapat may text siya sa 'yo tuwing umaga? Iyon bang dapat agad-agad ang reply niya kapag tinatanong mo siya kung naligo na ba siya? Iyon ba?

          Hindi ba effort ang pagbati niya sa 'yo tuwing anibersaryo ninyo? Hindi ba effort ang pagte-text niya, hindi man palagi pero ginagawa niya pa rin? Hindi ba effort na sa loob ng limang taon ninyo bilang magkasintahan, naramdaman mong mahal ka niya? Hindi ba?

          X, naiintindihan kong may mga bagay kang gustong mangyari o makuha mula sa kanya. Mga bagay na sa palagay mo ay dapat lang na ibigay niya dahil katumbas 'yon ng pagpaparamdam niya ng pagmamahal sa 'yo. Pero gusto kong malaman mo na 'yung maramdaman mo pa lang na mahal ka niya, sobrang laking effort na no'n. 'Yung maalala pa lang niya kung kailan ang natatanging araw para sa inyo, effort na 'yon. 'Yung mga simpleng bagay na ipinapakita niya, effort 'yun.
          
          Kung minsan man dumarating sa punto na pakiramdam mo wala ka lang sa kanya, tingnan mo muna kung ano ang rason niya. Kung hindi ka man niya mabigyan ng magandang regalo sa anibersaryo ninyo, isipin mo muna kung may pera ba siya, baka pareho pa kayong estudyante at umaasa sa mga magulang ninyo, intindihin mo siya. 

          Kung nagtatrabaho na kayo at hindi ka pa rin niya mabigyan ng kahit ano, tanungin mo muna ang sarili mo, talaga bang sasaya ka at mararamdaman mo na mahalaga ka sa pamamagitan ng materyal na bagay na maaari niyang ibigay? Kung hindi, congratulations, isa kang alamat. Kung oo, gusto kong ipaalala sa iyo na ang materyal na mga bagay, naluluma 'yan, kumukupas, minsan pa'y nawawala. Maaaring mapasaya ka n'yan ngayon, pero mapapasaya ka ba ng mga 'yan sa mahabang panahon? 

          Wala siyang maibigay? Baka naman nag-iipon siya? Baka may mga bagay o tao siyang pinaglalaanan ng pera niya? Nanay o tatay na may sakit? Kapatid na pinag-aaral? Mga kamag-anak na sinusuportahan? Higit kahit kanino, ikaw dapat ang nakakaalam ng rason niya dahil ikaw naman ang nakakakilala sa kanya.

          Kung hindi ka man niya ma-reply-an agad sa mga text mo, pakiramdaman mo muna, baka abala siya sa pag-aaral, sa trabaho o sa ibang bagay. Tandaan mo, kahit gaano mo pa kagustong sa 'yo umikot ang mundo niya, hindi mangyayari 'yon. May mga bagay pa rin na kailangan din niyang pagtuunan ng pansin bukod sa 'yo. Kung lumilipas ang ilang buwan na hindi siya nagpaparamdam, kausapin mo siya. Itanong mo kung ano'ng problema. O kung may problema nga ba. 

          Sa bawat problema, pag-uusap talaga ang nangungunang solusyon. Hindi mo dapat kinikimkim ang mga bagay na bumabagabag sa 'yo, maliit man 'yan o malaki. Paano ka makakakuha ng sagot kung hindi ka magtatanong? At paano niya malalaman ang nararamdaman mo kung hindi mo sasabihin? 

          Tama ka sa sinabi mo kanina, sa pagmamahal, dapat hindi ka lang tanggap nang tanggap, dapat nagbibigay ka rin. Kung sa palagay mo, ikaw lang ang nagbibigay, may gusto akong ipaalala sa 'yo. Sabi mo, mahal ka niya, hindi ba? Kaya paanong mangyayaring wala kang natatanggap mula sa kanya kung nasa 'yo ang pagmamahal niya? Isa pa, hindi maganda kung magbibilangan kayo ng mga nagawa para sa isa't isa. Mas masarap ang pag-ibig na handang magbigay hangga't kaya pa, magbibigay nang walang hinihinging kapalit.

          'Wag mong hayaang kainin ka nang buhay ng hinahanap mong effort. 'Wag mong hayaang masira kayo dahil lang may mga bagay siyang hindi maibigay sa 'yo. Give and take, X. Pero hindi lang effort ang kailangang ibigay at matanggap ng taong nasa isang relasyon. Kailangan din ng komunikasyon, pang-unawa, oras at marami pang mga bagay. 

          Kausapin mo siya. Oo, uulitin ko, kausapin mo siya. Hindi mo kaya? Kayanin mo para sa ikatatahimik ng relasyon ninyo! Sabihin mo kung ano'ng totoo mong nararamdaman. Sabihin mong may hinahanap kang hindi niya ibinibigay. Hintayin mong magpaliwanag siya. At kapag nalaman mo na ang panig niya, timbangin mo kung ano'ng gusto mong mangyari sa inyo. Tatanggapin mo ba na may mga bagay talagang hindi niya kayang ibigay o tatalikuran mo siya dahil din sa parehong rason? Ikaw lang ang makasasagot n'yan. Kahit pa sabihin ko sa 'yo ngayon kung ano ang sa tingin kong dapat mong gawin, sa huli, desisyon mo pa rin ang masusunod. 

          At bago ako magtapos, isang katanungan ang gusto kong sagutin mo... masaya ka ba? Masaya ka pa ba? Kung oo, walang rason para pahirapan mo ang sarili mo. Dahil kung masaya ka, kinulang man siya sa effort o hindi, mamahalin mo pa rin siya. At kung masaya ka sa kanya at nararamdaman mong mahal ka niya, walang problema ang magpapatumba sa relasyon n'yong dalawa. 

          Hanggang dito na lang, X, sana'y may naitulong ako. Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.



          Hanggang sa Muli,
          Justmainey











Lahok sa Ispesyal na Patimpalak ng Saranggola Blog Awards (www.sba.ph).



Thursday, March 5, 2015

The Listener

The Listener 
by: justmainey


I was awakened by a warm hand that slowly caressed my jaw, drove its way to my nose, up to my brows. A peculiar sensation consumed me as the hand traveled my rugged face. 

I heard a deep sigh, followed by a sweet gentle voice continuously saying my name-Kurt. That voice. I tried so hard to open my eyes but to no avail. My body was numb, or so I thought.

"Good bye, Kurt. I-" I heard her whispered as I rested my back on the bed, still unable to move.

"I missed you." And with that, my eyes automatically flew open, as if her final words were some kind of a spell, which caused my senses to come back to its function after a momentary hibernation. 

I immediately eyed the room, but she was nowhere to be found. I sighed and remembered everything that happened.


"I am Asuna."

"Uh yeah, you told me five times already. So Asuna, how may I help you?" I asked patiently on the lady who suddenly grabbed the hem of my shirt while I was on the middle of my walk to the grocery - which is only meters away from my house. At one moment, I thought she was a forgotten acquaintance, but then she whispered, 'Help' - and my very first guess evaporated.

I looked at her and noticed her features. She have this long orange-brownish chestnut hair that flows against her shoulders up to her waist, and gloomy hazel eyes that caused her to appear lost, sad and confuse - all at the same time. Nevertheless, she's beautiful.

I groaned in frustration and furrowed my eyebrows when I realized that she didn't bother answer my question. With losing patience, I told her to follow me to the police station - because police officers might help - but she didn't oblige. Instead, she closed her eyes and raised both hands. 

"Hey, what are you doing?" I asked curiously. 

She flashed a small smile. "Feel the wind. Let it touch you inside out. Let the warmth of it be felt not only by your skin, but also by your heart. Life's beautiful, too beautiful to be wasted," she stated, her eyes still shut.

Her words, though sweet, were like dagger that stabbed my very soul. No, life was never beautiful. 

She opened her eyes then looked at me. "I am here to help," she asserted in a serious tone. I stared back, lips twitched. 

"I know everything about you, Kurt - everything," she added. 

I felt something tightened inside my stomach. How did she know my name? 

Her words disturbed and frightened me at the same time, so I pulled her on the arm and led the way to my bungalow house. I wiped my sweat as we reached my small house, while she did nothing but eyed the whole place.

"You're just trying to scare me, right?" I gritted.

She cocked her head on the side before she sat on the couch. "Sometimes, all we needed is someone who would listen. And Kurt Iris Tompkins, I could be that someone. Scratch that, I am that someone," she replied.

I was taken aback by the mere mention of my full name. I opened my mouth to say something, but closed it again.

"Still in doubt? Well, you're twenty years old, a painter, stopped studying since you were ten, a nocturnal, loves seafood, and-" 

"You're a stalker?" I butted in but she just laughed. I set my lips into a fine line. 

"Ugh, w-what else do you know?" I stammered.

"I know how sad and angry you are - to the world and to yourself," she murmured.

I felt chills down my spine. "I am not," I responded.

She shook her head and looked at me with those pitiful eyes. "You are. Your parents died from an accident when you were ten, they left you with nothing but this house," she stated. I was ready to say something when she continued, "You'd been working since then, you became a beggar when your house was foreclosed. Then, you tried to be a shoe shiner but it didn't work that much, until someone asked you to be a call boy."

I felt my knees weakened.

"You immediately agreed, you never thought twice. You were only thirteen back then - that young, Kurt, that young. When someone called you on the middle of the night, you'd go and play dirty. You did that for the how many years? Three years? Four years? Sleeping with women way older than you, letting them torment every piece of you. But still, you are smart, because when you obtained money enough for a living, you bought this house back and quitted from that job. But you didn't expect what you felt after quitting," she paused, but not for long because she finally added, "You felt empty, and before you knew it, you were in love."

I felt a lump on my throat, my lips quivered. "Stop," I stated.

"You fell in love, Kurt, but at the wrong person and time. You're just seventeen that time. She was twenty-seven and married. She was one of the women you used to pleasure at night, she was one of those who taught you how to fuck - that was your term, to fuck."

"Stop," I repeated. I felt like drowning, pain was consuming me. "Please, stop," I begged. 

"But Erica died." 

Her face swung left as I slapped her. I swallowed as I noticed that my palm left a mark on her face - her cheeks immediately turned red. I breathed heavily, tried containing both guilt and anger. 

I trembled and held back my tears as an image of Erica flashed in my mind.

"S-sorry," Asuna mumbled.

A loud thud filled the house as I punched the wall beside her. I walked towards her but she immediately took a step back - fear, fear was visible in her eyes.

"I don't know how on earth you did know everything," I said with gritted teeth. "But knowing everything doesn't give you the goddamn permission to talk about my life as if it was your life you're blabbing. Three years, I'd been doing everything to forget about my misfortunes for three years now and I'm doing well," My voice broke on my last word.

"I-I shouldn't have said that," she said but her eyes were fixed on the floor.

"Go home," I said authoritatively.

"I can't, not until I help you."

"Cut that crap! Just go get a life!" I shouted. 

Her eyes glistened, as if she was on the verge of tears. "Y-you don't understand, Kurt. I've been eyeing you for quite a long time and now's the perfect time for me to be here." She sighed before she continued, "You may or may not believe this but... I'm a sylph, an air spirit -the listener. I am one of those invisible beings of the air. And I can assume human form in order to guide, influence, listen and inspire human actions. Yes, I should be the one listening, but you are so stubborn that I needed to push myself to be the story-teller," she said in a small voice. 

I laughed at her spiel. "Sylph, huh?" 

She shook her head. "Of course you won't believe me, not until you see this." 

She closed her eyes, murmured something and a strong cold wind suddenly blew. I dropped my jaw as I saw Asuna floating in the midst of the air, with white fairy-like wings on - her long hair seemed like dancing. I blinked thrice to be sure that my eyes weren't playing tricks on me and swallowed hard. W-what the hell?

After seconds of astonishment, everything went back to its normal phase - the cold wind gone. I was rooted to the ground, my mouth wide open - she's goddamn real. 

"F-Fuck," I stumbled out of words, unable to process what I'd seen.

"I guess, you do believe now, Kurt," she said. 

"I-I didn't-ugh, I can't do this." I stammered.

"Go ahead, Kurt. Talk." 

I eyed her. Something was telling me to trust her - something I couldn't fathom.

And all hell broke loose when I started talking. "When... when my parents died, I swear I had also died with them. I didn't have anyone back then - not even friends or relatives to support me. I thought of giving up, that one day I would just die because of freezing or hunger - but it didn't happen. And yeah, I was asked to be a call boy and I didn't think twice.

"Maybe if you were on my position, you would also grab every opportunity -whether righteous or not- that would come your way. And so I accepted it. I did have sex with different women of different ages - without any other feelings involved except lust. 

"But... one of them seemed to care - Erica. She treated me differently, she was kind, sweet and loving, but I never gave a damn. My only focus was on how to drive my way out of that dirty job. And after four years, I gained enough money and quitted. But I felt empty. I thought I was just missing the feeling of sex and orgasms so I tried picking up girls but that didn't fill the emptiness I was feeling. 

"And then I saw Erica again - I felt my cheeks heated up and my heart pounded so loud upon seeing her. That was when I found out that she was the one I was missing. And I was so damn... in love. She loved me back - the happiest, yet the saddest part as well. Happiest because I felt being loved again, saddest because ..." I trailed off.

She gave me an encouraging smile. I turned my gaze away.

"Her husband had known everything. I didn't know how, but he knew. And because of that, he... he killed her." I closed my eyes to prevent myself from crying. "He stabbed her. He did that as if she was some kind of a wild animal. He killed the only person that gave me hope, the one that made me feel loved again." Then it happened, tears started streaming down my face before I could even stop them. 

"Kurt," Asuna whispered.

"I know it's so unman of me to cry in front of you, but I can't help it," I mumbled with broken voice.

I felt my heart thumped fast as she wiped my tears away. "Crying doesn't make you less of a man. In fact, you have just shown me your strong side, Kurt, and I am happy because finally... you voiced your heart out. I do hope you would be able to move forward - really move forward this time, with no guilt, sadness, or anger in your heart. You've suffered enough, don't let yourself suffer 'til your last breath," she murmured. 

Then, she leaned forward and enveloped me with a hug. I felt something strange when our skin touched. I hugged her back and cried on her arms - cried until I doze off to sleep, but before I could finally closed my eyes, I noticed a tear fell from her eye.


And when I woke up the next day, Asuna... was gone. 

--x

I came back to my senses when a strong wind blew. A month had passed and I was hoping she would come back - and she did. I didn't know what happened to her after she left. But one thing is for sure, she was here a while ago - I know she was here.

My eyes darted on the painting hanging on the wall. I painted it the day after she left - with the same features she had a month ago. Except that I made her ear an elf-ear, to emphasize that she will forever be the listener - my listener. 

"I missed you, too. Thank you," I whispered.

A warm wind blew around, as if it was hugging me. I smiled to myself.

Sunday, January 4, 2015

Mga Kwento ni Elena

Protege Wattpad Round 3 entry. Unedited.
For more stories, visit: www.wattpad.com/justmainey

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mga Kwento ni Elena


Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagsayaw ng mga puno sa paligid. Tinapunan ni Elena ng tingin ang buong lugar. Tahimik. Madilim. Tahimik na para bang maging ang mga insekto ay nahiyang magsipag-ingay. Madilim-kahit na pasado alas-nuwebe pa lang ng umaga-dahil sa nagtataasang punong bumabalot dito. Kung ipalalarawan ito sa iba, tiyak isa lang ang sasabihin nila... nakakatakot. Sa katunayan ay pwede na itong pagdausan ng isang horror film o di kaya'y gamiting panakot sa mga batang matitigas ang ulo. Pero ang lahat ng 'yon ay walang kwenta sa kaniya, dahil alam niyang walang takot ang tutumbas sa nararamdaman at mararamdaman niya.

Nang marating ang sentro ay hinanap ng kaniyang mga mata ang isang bagay. Agad siyang ngumiti matapos makita ito. Lumapit siya rito, dahan-dahan, unti-unti. Nang malapitan niya ito ay isang mapait na ngiti ang kaniyang pinakawalan. Marahan niyang tinitigan ang puntod na nasa kaniyang harapan. Pumikit siya. Ito ang nararamdam niya, ito ang pilit kumakawala sa sistema niya... pagmamahal at higit pa.

Huminga siya ng malalim saka nagsindi ng tatlong kandila. Nakailang ulit pa siya dahil agad namamatay ang apoy mula rito. Nang masigurong ayos na ay inihanda na niya ang sarili sa mahaba-habang kwentong kaniyang gagawin. Ganito lagi ang ginagawa niya kapag pumupunta rito, magkukwento hanggang sa magsawa siya, magkukwento hanggang maubusan ng sasabihin. Ito na ang naging buhay niya ilang linggo na ang nakararaan, at mukhang ito na rin ang buhay niya sa mga taon pang dadaan.

"Sorry, ngayon na lang ako nakapunta ulit," bulong niya habang hinahaplos ang puntod sa kaniyang harap.

Tumingala siya at pumikit. "Ready ka na? Magkukwento na 'ko." Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi bago siya nagpatuloy, "Alam mo bang isinuot ko yung wedding gown ko kanina? Nagalit nga yata si Ate Lana, sinimangutan niya kasi ako, pero hindi siya nagsalita. Tapos, alam mo ba, inayos ko yung buhok ko ngayon..." Lumunok siya at hinawakan ang buhok niyang nakatali ngunit magulo. 

"Maganda ba? Sabi mo kasi noon, mas maganda ako pag nakatali ang buhok. Okay ba? Ako mismo nagtali nito, kahit alam mo namang hindi ako marunong." Huminga siya nang malalim at hinaplos ang balikat.

"Kanina nga pala, napaihi si Ate sa kama, pero walang nagalit, walang nagsalita. Niyakap lang nila si Ate at pinatahan kasi umiiyak siya. Tapos, si Mama, umiyak siya kagabi habang niyayakap si Ate. Hindi ko alam kung bakit, kilala mo naman ako, hindi ako pala-tanong pero base sa iyak ni Mama, para siyang naaawa. Pero bakit naman? Okay naman si Ate Lana, bakit siya maaawa? Ewan, naguguluhan ako sa kanila," sambit niya.

"Nung isang araw, bumili ako ng taho, inirapan ako nung tindero. Hindi ako nagpatalo, inirapan ko rin siya." Bahagya siyang napangiti sa sarili.

"Pati yung aso ng kapitbahay, tinatahulan ako, alam mo ba ang ginawa ko? Tinahulan ko rin," sambit niya bago tumawa ng malakas. "Biro lang, binato ko lang ng bato, buti nga hindi ako kinagat." 

Muling umihip ang malakas na hangin kaya napahinto siya at napayakap sa sarili. Ngumiti siya bagama't kababakasan ng lungkot ang kaniyang mga mata.

"Ikaw 'yon, 'no? Ikaw 'yung hangin? Niyayakap mo 'ko? Miss mo na siguro ako. Miss mo na yung ngiti ko, yung kagandahan ko, yung luto ko. Miss mo na 'ko, di ba? Kasi... miss na miss na kita." Tuluyan na ngang nabasag ang tinig niya sa huling tatlong salitang binitawan niya. Kinagat niya ang labi para pigilan ang paghikbi. Ayaw niyang umiyak, sawa na siya, sawang-sawa na.

"A-ang dami ko pa sanang gustong gawin kasama ka, pero wala nang pagkakataon," bulong niya, "gusto kong maligo tayo sa ulan, kumain ng maraming candy, maglaro ng taguan, maghabulan, chinese garter-mga bagay na hindi ko naranasang gawin, mga simpleng bagay.

"Gusto ko pang makita yung ngiti mo, gusto ko pang marinig yung nakakaloko mong tawa. Gusto ko ring mahawakan yung kamay mo na laging nilalamig. Gusto kong halikan ka, kahit na ayaw mong mag-ahit. Gusto kong tumanda kasama ka."

Tumingala siya at gumuhit ng bilog sa hangin. Patuloy niyang ginagawa ito na para bang naglalaro lang. Naglalaro ngunit umiiyak. Umiiyak ngunit nakangiti. Tila halo-halo ang tumatakbo sa kaniyang utak sa sandaling iyon.

"Mahal kita," bulong niya. "Lagi kong tinatanong sa'yo 'to, pero hanggang ngayon wala akong nakukuhang sagot. Ngayon itatanong ko ulit, baka sakaling sumagot ka na kahit sa panaginip lang.

"Bakit mo 'ko iniwan? Bakit agad-agad? Sabi mo noon, magiging masaya tayo, di ba? Sabi mo, bubuo tayo ng pamilya at magkakaro'n ng maraming anak." Ngumiti siya at nagpatuloy, "Sabi mo uubusin natin ang alphabet para ipangalan sa magiging anak natin, pero bakit wala tayong nabuo kahit isa? Sabi mo kapag ikinasal tayo, sa Hawaii ang honeymoon, pero bakit ni hindi tayo nakapag-honeymoon? Sabi mo... sabi mo hindi mo ako iiwan, pero bakit? 

"Bakit naman ganun? Mahal na mahal kita, eh. Sa sobrang pagmamahal ko kaya kong makipagpalit ng pwesto sa'yo. Ako na lang diyan sa ilalim ng lupa, ikaw dito sa ibabaw. Ako na lang ang maagnas, ikaw na lang ang mabubuhay." 

Nag-unahan na sa pagdaloy ng mga luha pero hindi siya nag-abalang punasan ito. Nakangiti siya, kahit na umiiyak ay pinipilit niyang ngumiti.

"Pero alam kong dapat ko nang tanggapin. Kailangan ko nang masanay na wala ka, na wala nang mangungulit, mang-aasar, magpapasaya sa'kin. Kailangang itatak ko na sa isip ko na hanggang dito na lang talaga. Masakit, sobra. Siguro nararamdam mo yung sakit na nararamdaman ko, pero wag kang mag-alala, konti na lang... mawawala rin 'to, sana." 

Tinakpan niya ang kaniyang mukha at humikbi. Umiyak siya na para bang wala nang bukas, umiyak na parang isang sanggol. Hindi na siya nag-abalang pigilan ang pagkawala ng bawat luha. Gusto niya lang ilabas ang lahat ng sakit, umaasang sa pagtatapos ng kaniyang pag-iyak ay ang pagkatanggal ng kirot sa kaniyang puso. 

Matapos ang ilang sandali ay kumalma rin siya. Ngumiti siyang muli at nagsalita, "Nga pala, alam mo bang nagalit si Ate Lana kanina nung nakitang suot ko yung wedding gown ko? Sumimangot pa nga siya..."

Hindi na niya naituloy ang sasabihin pagka't nakarinig na siya ng yabag patungo sa kaniya. 

"Aling Lusing! 'Yun po si Elena!" 

"Oo nga po!" 

Napatayo siya nang makita ang dalawang lalaking nakaturo sa direksyon niya. Kunot-noo niyang binalingan ito. Matapos ang ilang minuto ay lumabas mula sa kakahuyan ang kaniyang ina, kasama ang Ate Lana niya. Pawang pawis na pawis ang mga ito at halatang pagod na pagod. Nang makita siya ng dalawa ay agad napangiti ang mga ito at yumakap sa kaniya.

"Diyos ko po, salamat!" usal ng kaniyang ina habang yakap-yakap siya. 

"Mama?" bulong niya.

"Nandito ka na naman pala. Pinag-alala mo kami ng ate mo. 'Di ba napag-usapan na nating bawal ka rito? Private property 'to, Anak. Buti nakita ka nilang dalawa na pumunta dito," sambit pa nito habang itinuturo ang dalawang lalaking kasama nila.

"Pero ang asawa ko po... hindi ko pwedeng iwan ang asawa ko," mahinang turan niya. 

Humagulgol ng iyak ang kaniyang ina kaya napanganga siya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang itong umiyak. Maging ang kaniyang ate ay maluha-luhang bumaling sa kaniya.

"Umuwi na tayo," bulong ng kaniyang ina.

Tabi-tabing naglakad palabas ang mag-iina. Tahimik lang sila, waring may kaniya-kaniyang iniisip. Sa kanilang likuran ay naroon ang dalawang lalaking tumulong sa paghahanap kay Elena. Noong una ay tahimik lang din ang mga ito hanggang sa basagin ng lalaking may katangkaran at kaitiman ang katahimikan. 

"Baliw nga talaga 'tong anak ni Aling Lusing. Kawawa, umihi nga daw sa kama kanina, tapos sinuot yung wedding gown nung ate niya," bulong nito sa kasama. 

"Alam ko, para namang di ko narinig 'yan sa kanila kanina. Pero kawawa siya, ang alam ko namana daw sa tatay niya 'yan. Schizomenia?" pabulong din na sagot naman ng isa.

"Tanga, schizophrenia. Hirap nun, ganyan na siya since birth, sana dalhin na lang sa mental. Teka, sino ba yung patay na nakalibing dun sa puntod na hinahawakan ni Elena kanina?"

"Anak nung may-ari nitong lugar. Puta, pre. Narinig mo yung sabi ni Elena? Asawa niya daw yun, eh limang taon lang yun nung namatay. Baliw nga." Mahinang nagtawanan ang dalawa habang abala pa rin sa paglalakad ang tatlong babae sa kanilang harapan.

"Tahimik na, baka marinig tayo," pagtatapos ng isa.

Ngunit huli na ang lahat... narinig na sila ng mga ito. Narinig na sila ni Aling Lusing at Lana, at napapikit na lang ang mga ito. Narinig na sila ni Elena, pero wala itong pakialam, wala kahit kailan. 

"Ano kayang ikukwento ko sa kaniya bukas?" bulong niya sa sarili bago ngumiti.




-WAKAS-

Saturday, November 15, 2014

Dear Teachers



Dear Teachers
by: Maine Lasar


I.    Dear teachers, did you ever regret being one?
Did you ever feel that you’re no fun?
Do your students make you feel violated?
And do they treat you like an air that is polluted?

II.    Do you ever shout them 'coz they’re so noisy?
But at the end of the day you’ll regret it, maybe?
Do they treat your subjects as if it’s nothing?
When you tell them something violent reaction’s coming?

III.    Dear teachers, are you tired of being one?
Pls., don’t be for the sake of your students, Sirs and Ma'ams,
Maybe some students don’t know your worth.
But just continue going and prove some sort.

IV.    We’ve been so numb and also dumb,
But without you teachers, we’ll surely sob,
Just bear with us some extra patience,
'Coz without you teachers we’ll have no sense.

V.    Dear teachers, are you proud of being one?
You should be ‘coz you are molding someone,
You’ve been part of your students’ lives,
And that’s one thing we couldn’t hide.

VI.    Dear teachers, did we ever thank you for a very good job?
Did we ever let you feel that you are being loved?
If not, we need to sober and we’ll do it together.
We thank and love you and it’s now or never.

Tulak, Higit, Hay Pag-ibig!


"Naku, Teresa, nand'yan na naman 'yung manliligaw mo. Ano bang ipinakain mo d'yan at linggo-linggo na lang kung pumunta dito?" bulong ni Mama habang may inginunguso sa kung saan. 

Mabilis kong tinapunan ng tingin ang tinutukoy ni Mama at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pinakahuwarang manliligaw sa modernong panahon, si Damian. Sa lugar namin kung saan magkakadikit ang mga bahay at makipot ang daanan, wala yatang hindi nakakikilala sa masugid kong manliligaw. Sa tatlong taon ba naman niyang pagpapalipad-hangin sa'kin, pagkuntsaba sa kung sino-sino at paggawa ng kung ano-ano para magpapansin, sino pang makalilimot sa kaniya? 

Si Damian, mabait, matalino, masipag at magaling kumanta. Graduate siya ng kolehiyo at empleyado na sa isang kompanya habang ako'y hayskul lang ang natapos at umaasa pa sa mga magulang ko hanggang ngayon. 

Madalas siya sa'min kahit hindi ko alam kung ano ang ipinaglalaban ng pagdalaw niya. Katulad ngayon, nand'yan na naman siya. Suot ang paborito niyang itim na statement shirt at leather jacket kahit sobrang init. May hawak siyang gitara sa kaliwang kamay at ngiting-ngiti na para bang nanalo sa lotto kahit hindi naman siya tumataya.

Lumunok ako nang ilang ulit bago mabilis na kumilos papunta sa banyo. "Ma, 'pag hinanap ako pakisabi wala, umalis, naglayas!" 

"Gagawin mo na naman akong sinungaling na bata ka! Hay naku, manang-mana ka sa pinagmanahan," sermon ni Mama.

Nakita ko pang umiling siya bago ako tuluyang makalayo sa kaniya. Bumuntong-hininga ako at nagpunas ng pawis sa noo. Ni hindi na ako nag-abalang buksan ang ilaw sa banyo dahil baka mahalata pa ni Damian na nagtatago na naman ako. 

Sa tatlong taon niyang nanliligaw, wala akong ibang ginawa kundi tapatin siya. Palagi kong sinasabing hindi ako ang para sa kaniya, na tigilan na niya 'ko, pero heto't tuloy-tuloy pa rin siya. Ayoko siyang paasahin dahil alam kong wala akong nararamdaman para sa kaniya, pero wala yata sa bokabularyo niya ang 'pagsuko'.

Muli akong huminga nang malalim at tahimik na pinagmasdan ang banyo naming bukod sa maliit ay mapanghi rin. Tinakpan ko na lang ang ilong ko saka sumilip sa maliit na butas sa gilid ng pinto para makita sana ang mga tao sa labas. Wala naman akong makita kaya napapalatak na lang ako.

"Umalis na kaya 'yon?" bulong ko. Dapat pala'y sinabihan ko si Mama na katukin ang pinto kapag wala na si Damian. 

"Si Teresa? Naku, nasa banyo, hayaan mo't palabas na 'yon! Excited nga 'yong makita ka, Damian! Dito ka na sa harap ng banyo para ikaw ang bubungad sa kanya."

Napasinghap ako at wala sa sariling napasabunot sa kulot kong buhok nang marinig ko ang sinabi ni Mama. Pinaypayan ko ang mukha ko at pinigilang sumigaw sa inis.

"Talaga po? First time po yatang na-excite si Tere na makita ako. Nakakatuwa," ani Damian na tingin ko'y nakangisi na ngayon.

"Naku, nagpapakipot lang 'yon! Sige na't magtitiklop pa 'ko ng damit sa taas. Hintayin mo siya d'yan. Sa labas kayo mag-usap, ha? Do'n sa makikita ng mga kapitbahay. 'Wag sa tagong lugar at baka kung ano pang magawa n'yo. Twenty-six na si Teresa pero isip-bata pa 'yon, ikaw naman ay... ilang taon ka nga ulit? Parang uhugin ka pa nung nagsimula kang manligaw sa anak ko, e. Ngayon, tingnan mo nga naman, uhugin ka pa rin." 

Tinakpan ko ng palad ang bibig ko para pigilan ang paghalakhak. Si Mama talaga! 

"Hindi na naman po ako uhugin, twenty-six na rin po ako. Pero salamat po sa mga payo, Tita."

"O siya, sige na, aakyat na 'ko. Teresa, harapin mo na 'tong bisita mo!" sigaw ni Mama habang kinakatok ang pinto ng banyo. Ilang saglit pa'y narinig ko na ang pag-alis niya.

Napakamot ako sa batok at napailing. Akmang bubuksan ko na ang pinto nang bigla kong marinig ang boses ni Damian, dahilan para matigilan ako.

"Teresa, ano, kasi 'di ba sabi mo ayaw mo 'kong makitang kumanta? Pero may bago kasi akong kantang nabuo para sa'yo. Kaya kakantahan kita habang nand'yan ka sa loob ng banyo. Hindi mo ako makikitang kumakanta pero maririnig mo 'ko," aniya sa malambing na boses.

Gusto kong magsalita pero parang may nagbara sa lalamunan ko. Kailan ko sinabing ayaw ko siyang makitang kumanta? Hindi ko yata matandaan. Sabagay, may mga bagay akong sinasabi sa kaniya na hindi ko naman talaga gustong sabihin kaya tuloy hirap akong alalahanin. 

Bago pa man makabawi sa pagkabigla ay narinig ko nang umalingawngaw ang tunog ng gitara niya. Napakagat ako sa labi nang magsimula na siyang kumanta. Malinaw ang pagkakakanta niya kaya agad kong narinig ang mga katagang, "Teresa, mahal kitang talaga." 

Umawang ang labi ko't kumalabog ang dibdib. Tumingala ako at nagmamadaling binuksan ang pinto ng banyo. Tumambad sa'kin ang nakapikit na si Damian habang patuloy sa pagtugtog at pagkanta. Ni hindi niya yata napansin na nakalabas na ako at nanonood sa kaniya.

"Damian," bulong ko habang tinitingnan siya. 

Hindi siya gwapong-gwapo pero may itsura siya. Palaging magulo ang buhok niyang bumabagay sa hulma ng mukha niya. Matangkad din siya at kapag magkatabi kami ay hanggang balikat lang ako. Dito sa lugar namin, marami-raming kababaihan ang nagkakagusto sa kaniya. Hindi ko lang alam kung gano'n din sa kabilang bayan, kung saan siya nakatira. 

Napaigtad ako nang magdilat siya ng mga mata saka ibinaba ang gitara niya't lumapit sa'kin. Umiling ako at humakbang palayo. Natigilan siya sa ginawa ko pero pinili niyang ngumiti nang malapad.

"Teresa, kamusta? Ano'ng masasabi mo sa nabuo kong kanta? Maganda ba? Nahirapan ako sa paglalapat ng musika pero sa t'wing naiisip kong para sa'yo 'yon, parang--"

"Damian, please," pagputol ko sa kaniya. "Alam mo naman, 'di ba? Hindi... hindi kita..." 

Umiling siya. "Kung ano man 'yang sasabihin mo, 'wag mo nang ituloy. Hindi ako matitinag. Maghihintay ako." Saka niya ako hinigit paupo sa kawayang upuan at sinimulan na niya akong kwentuhan. 'Yung trabaho niya, mga kaopisina niya, 'yung aso niyang si Tessa na kung hindi pa halata ay ipinangalan niya sa'kin, lahat 'yon ikinukwento niya.

Nagpatuloy siya sa pagsuyo sa'kin. Tuwing Linggo, ni minsan hindi siya pumalya sa pagbisita. Kung ano-ano ring gimik ang baon niya tulad nang dati. Nariyang sayawan n'ya ako, tulaan, kantahan at gawan ng portrait. Biro nga ni Mama, kulang na lang daw ay kumain ng buhay na manok, magbuga ng apoy at tumulay sa alambre si Damian para lang pasayahin ako. 

"Gusto mo bang ibili kita ng cellphone para magka-text tayo?" tanong niya isang hapon. 

"Damian, 'di ba sabi ko naman sa'yo--"

"Oo, alam kong ayaw mong tumanggap ng kahit ano galing sa'kin. Kahit nga tinapay na dinadala ko dito, hindi mo kinakain. Pero sige na please, na-mimiss kasi kita palagi. Tuwing Linggo lang kasi ako nakakabisita," pagputol niya sa'kin.

Tumikhim ako bago umayos ng upo. "Ayoko. Hindi ko naman 'yun kailangan. Kung may gusto kang sabihin, pwedeng kay Mama mo i-text, siya na lang magsasabi sa'kin." 

Pinaglaruan niya ang daliri niya bago sumagot, "Paano kung mga private message ang sasabihin ko? 'Miss na kita','mahal kita', 'sagutin mo na 'ko', mga ganun. Nakakahiya naman kay Tita." Ngumiti siya.

Napakamot ako sa ulo. "Hindi ko alam kung saan mo nakukuha 'yang tiyaga mo, Dam. Pwede naman kasi tayong magkaibigan na lang para mas masaya."

"Grabe naman Tere, three years tapos friendzone pa ang bagsak ko?" Humawak siya sa dibdib niya at umiling-iling.

Hinampas ko siya sa braso nang pabiro. "Three years na nga, sawa-sawa! Saka magkaibigan naman talaga tayo nung hayskul, bakit ba kasi biglang gan'yan, ang ganda ko naman yata." 

"Love is blind nga, 'di ba?" Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Loko! Pero seryoso, Dam, pwede bang tama na?" Lumunok ako at pinakiramdaman ang mabilis na pintig ng puso ko.

Ilang ulit siyang kumurap bago humawak sa batok. "Wala..." Tumikhim siya. "Wala pa rin ba? Wala ba talaga? Baka kasi... baka kailangan mo lang na mas makilala pa 'ko. Alam ko namang magbarkada tayo nung hayskul pero baka pinagdududahan mo pa rin 'yung intensyon ko. Hindi naman kita minamadali, kaya kong maghintay." 

Ngumiti siya at parang may tumusok na kung ano sa kaloob-looban ko habang tinitingnan siya. Naaawa ako sa kaniya. Mabuti siyang tao pero hindi ko masuklian ang pagmamahal niya. 

"Tatlong taon, Damian. Hindi ka ba napapagod? Nagsasawa? Wala kang aasahan sa'kin, Dam."

"Ilang beses mo nang sinabi 'yan pero sumuko ba 'ko? Hindi, 'di ba? Kung kaya ko lang sanang tumigil, ginawa ko na. Kaso hindi talaga, bumabalik at bumabalik pa rin ako sa'yo." Binasa niya ang labi niya at mariin akong tinitigan gamit ang malamlam niyang mga mata. 

"Hinding-hindi ako magsasawa. Pangako, " aniya.

Pero mukhang hindi rin niya napangatawanan ang pangako niya dahil matapos ang araw na sabihin niya 'yon ay naglaho na siyang parang bula. 

Ilang linggo ang mabilis na dumaan, hanggang umabot sa isang buwan, dalawang buwan, dalawang buwan at kalahati. Ang dating masugid kong manliligaw ay nawala at hindi na nagparamdam. Walang nakakaalam kung bakit o kung ano'ng nangyari. Kahit si Papa at ilang kapitbahay namin ay nagtanong kung nasa'n si Damian pero tanging kibit-balikat lang ang naisagot ko. 

Masaya ako dahil sa tingin ko'y natauhan na siya. Masaya ako... masaya talaga. 

"Teresa, gabi na! Pumasok ka na't isarado na 'yang gate!" sigaw ni Mama habang abala ako sa pagmumuni-muni sa labas, isang Linggo ng gabi.

Simula nang tumigil si Damian sa pagsuyo sa'kin ay halos naging tambayan ko na ang gate ng bahay namin. Palagi akong nakadungaw doon kahit hindi ko alam kung ano ba ang dahilan ng pagdungaw ko. 

Huminga ako nang malalim bago muling tinapunan ng tingin ang makipot na kalsada sa harapan ng bahay namin. Walang tao. Mabigat ang bawat hakbang na lumakad ako papasok ng bahay. Naabutan kong minamasahe ni Mama ang noo ni Papa kaya napailing ako. Gabi-gabing ganito ang eksena sa bahay dahil palaging sumasakit ang ulo ni Papa sa bigat ng trabaho niya bilang karpintero.

"Sweet naman," sabi ko.

"Hay naku, Teresa, maghugas ka na ng plato do'n at hindi na 'ko makakapaghugas dahil masakit ang katawan ko," ani Mama. 

"Ma naman, ayoko." 

"Naku kang bata ka! Kung ayaw mong maghugas ng plato, e maghanap ka na lang ng trabaho!"

Sumimangot ako. "Sabi ko nga maghuhugas na lang ako ng plato."

"Hay naku, Raymundo! Tingnan mo 'yang anak mo, ang tamad-tamad!"

"Pabayaan mo na 'yang unica hija natin," sagot ni Papa. 

"Naku! Tayo na nga lang nagtatiyaga d'yan, pati manliligaw n'yan nagsawa na!" 

Napakurap ako sa sinabi ni Mama. Ilang linggo kong iniwasang isipin ang tungkol kay Damian pero heto si Mama at isinasampal sa'kin ang katotohanang walang nakatatagal sa'kin. Masaya ako... dapat akong maging masaya. Ginusto ko 'to. Ilang taon ko siyang itinulak palayo, ngayong nagdesisyon siyang tumigil, masaya ako.

"Masaya ako, Ma." 

Ilang ulit akong lumunok at kumurap-kurap. Ikinuyom ko ang kamao ko at pumihit patalikod kina Mama. Nang maramdaman kong may yumakap mula sa likod ko ay napahikbi ako. Humarap ako at gumanti ng yakap sa yumakap sa'kin, si Mama.

"Hay naku, sinabi na kasing pansinin mo na 'yung manliligaw mo habang hibang pa 'yun sa kagandahan mo. E ngayon, natauhan na, pa'no ka na n'yan?" natatawang bulong ni Mama.

"Lusing, tigilan mo na 'yang anak mo. Lalo mo pang paiiyakin, e," sabat ni Papa saka sumali sa yakap. 
Kinagat ko ang labi ko. "Mama, ako naman ang may gusto nito, 'di ba? Pero bakit ang sakit? Bakit nagsisisi ako? Normal ba 'to? Pakiramdam ko ang tanga ko. Dapat masaya ako, e."

Pumalatak si Mama. "Akala mo kasi habambuhay siyang baliw sa'yo. Akala mo hindi niya kayang umalis sa tabi mo. Nakatatak sa utak mo na sobrang ganda mo kaya akala mo hinding-hindi siya magsasawa."

"Ma naman," pagkontra ko.

"Hay naku! Anak, tao lang si Damian, napapagod. Ilang beses mo siyang itinulak palayo. Itinutulak mo siya hindi dahil ayaw mo sa kaniya, kundi dahil alam mong hindi niya kayang tuluyang lumayo. Ngayong nakita mo nang kaya niya, ikaw ngayon ang nagdudusa. Pero mababawi mo pa siya kung kikilos ka, higitin mo siya pabalik bago pa siya maagaw sa'yo."

"Pero--"

"Hay naku, kung ayaw mo edi 'wag! Hala, sige, maghugas ka na ng plato do'n." Sabay tulak sa'kin ni Mama. 

At habang naghuhugas ay apat na salita lang ang tumatakbo sa isip ko. Tulak, higit... hay pag-ibig!
Kinabukasan ay maaga akong gumising at naghanda para umalis. Nagtaka nga si Mama dahil hindi naman ako palaalis pero mukhang may ideya na siya kung saan ako pupunta kaya hindi na rin siya nagtanong. Binigyan niya lang ako ng pera pamasahe at pangkain at inabala na niya ang sarili sa pagkausap ng kung sino sa telepono.

"Anak, iuwi mo dito si son-in-law, na-mimiss ko na kamo ang leather jacket niya!" ani Mama nang sumakay ako ng pedicab. 

Natawa't nailing na lang ako. Nang makababa ng pedicab ay nag-abang naman ako ng dyip papunta sa kabilang bayan. Kinakabahan ako habang tinatahak ang daan patungo kina Damian. Ang daming tanong sa utak ko. Paano kung ipagtabuyan n'ya 'ko? Paano kung ayaw na talaga niya? Paano kung...?

Napapitlag at natigil ang pag-iisip ko nang matanaw ko ang isang pamilyar na bahay.

"Manong, para po!" 

Dali-dali akong bumaba nang huminto ang dyip. Lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko. Pinagpapawisan na rin ako at alam kong hindi ito dahil sa init kundi sa kaba. Pinasadahan ko ng tingin ang bahay at napaatras nang makita kong may lumabas na babae mula roon. 

Pamilyar ang mukha ng babae pero hindi ko sigurado kung saan ko siya nakita. Maganda siya, maputi at mukhang mas bata ng ilang taon kaysa sa'kin. Huminto siya sa paglalakad nang makita ako at nanlaki ang mga mata. Itinuro niya ako kaya kumunot ang noo ko.

"Teresa?" aniya.

"K-kilala mo 'ko?" 

Ngumisi siya. "A-ano, naikwento ka ni Damian noon at ipinakita niya pa sa'kin ang picture mo."

"Talaga? Gusto ko sanang makausap si Dam," bulong ko.

Umarko ang kilay niya at humalukipkip. Nakita kong bumulong-bulong siya pero wala akong narinig sa sinabi niya. 

"Ano?" tanong ko.

"Hindi mo ba itatanong kung ano ako ni Damian? Girlfriend niya 'ko. Ikinuwento ka niya sa'kin at pinakitaan ako ng litrato mo kasi gusto niyang malaman ko ang lahat tungkol sa kaniya. Kahit 'yung babaeng tatlong taon niyang niligawan pero hindi siya sinagot," matabang na sabi niya.

Binuksan ko ang bibig ko para magsalita pero walang lumabas. Lumunok ako at huminga nang malalim. Ang sakit. Parang may mga maliliit na insektong kumakain ng puso ko. Gusto kong maglupasay, umiyak at magwala. Pero sa halip na gawin 'yon ay tumango na lang ako at tumalikod sa kaniya.

Ang daya. Sobrang daya naman. Wala akong karapatang magreklamo pero ang sakit-sakit talaga. Habang unti-unting naglalakad palayo ay nagtuluan na rin ang luha ko. Kinagat ko ang labi ko at pinaypayan ang sarili. 

Ilang saglit pa'y narinig kong tinatawag ako ng girlfriend ni Damian pero hindi ako lumingon. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa isang bisig ang humigit at yumakap sa'kin. Pumiglas ako sa takot pero natabunan ng saya ang takot na iyon nang magsalita ang may-ari ng bisig.

"Tere, ang tagal kitang hinintay." 

"Damian," bulong ko habang humihikbi. 

"Teresa," sagot niya.

Gumanti ako ng yakap sa kaniya. "Sorry. Ang tanga-tanga ko. Ako ang may gusto nito pero ngayon, nasasaktan ako. Sorry."

Umiling siya at pinunasan ang luha ko. "Shh, tama na. Sorry din. Na-miss kita. Mahal kita."

Umawang ang labi ko sa gulat. "P-pero may girlfriend ka na." Saka ko tinapunan ng tingin ang babaeng nagpakilala bilang girlfriend niya at itinuro.

"Hindi mo ba siya natatandaan? Si Jona 'yan. 'Yung nakakalaro mo dati ng chinese garter." 

"J-Jona? 'Yung kapatid mong laging umiiyak kapag natatalo?" 

Tumingo siya. "Oo."

Nakita ko namang nag-peace sign sa'kin si Jona habang nakangiti bago siya pumasok sa loob ng bahay nila.

Wala sa sariling natawa ako. "Kaya pala pamilyar. Sobrang pumuti lang siya at gumanda."

"Mana sa'kin," natatawang sagot ni Damian.

"Sus. Pero... pero bakit ka nawala? Hindi ka na bumibisita?" 

Kumalas siya sa pagkakayakap bago ako hinawakan sa balikat at tinitigan sa mga mata. Ilang saglit siyang nag-isip saka bumuntong-hininga.

"Sabi kasi si Tita Lusing dun ko raw makikita kung may pag-asa ba talaga ako sa'yo o wala."

Kumunot ang noo ko. "Si Mama?"

Tumango siya. "Kapag daw hinanap mo 'ko, mahal mo ako. Kapag hindi, tumigil na raw ako. Pero hinanap mo 'ko, tumawag si Tita kanina para ibalitang papunta ka na. Sobra-sobrang saya ko." Ngumiti siya at maluha-luhang tumingin sa'kin. 

Kinagat ko ang labi ko. "Si Mama talaga." Umiling ako. "Pero tiniis mo pa rin ako."

"Sorry, Tere. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan. Pero araw-araw naman akong binabalitaan ni Tita tungkol sa'yo. Alam kong palagi kang malungkot at may inaabangan sa labas. Gustong-gusto kitang puntahan no'n pero sabi ni Tita, 'wag muna. Sabi ko sa sarili ko, last na 'to. K-kung wala talaga, baka hindi talaga ako ang para sa'yo." Nabasag ang boses niya sa huling salita kaya napayakap ako sa kaniya.

"Sorry kung ang tagal bago ko na-realize."

"Alin?" may himig pang-aasar niyang sambit.

"Nakakahiya."

"Ikinahihiya mo ang nararamdaman mo?" malungkot niyang sabi.

Napakamot ako sa noo. Ngumiti ako sa kaniya at tiningnan siya sa mga mata. "Hindi, ano ka ba."

"Kung gano'n--"

"Damian, mahal kita. Mahal din kita," pagputol ko sa sinasabi niya.

Pumikit siya at nagtakip ng mga mata. "Sa wakas... sa wakas." 

Lumapit siya sa akin at dahan-dahang yumuko para maabot ng labi niya ang labi ko. Malakas ang pintig ng puso ko, kinakabahan. Sinuklian ko ang bawat halik niya at halos maiyak ako sa sayang nararamdaman ko. Humiwalay siya saglit at tumingin sa mga mata ko.

"Sa loob tayo, Tere. Nakakahiya naman sa mga audience natin," nakangiti niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko saka nag-ikot ng paningin. Doon ko nakita ang mangilan-ngilang taong nanonood sa'min. Karamihan ay nakangiti at parang kilig na kilig, habang may ilang naiiling. Gusto kong magtago sa kahihiyan pero nang makita ko ang masayang mukha ni Damian ay napangiti na lang din ako. 

At parang narinig ko pa ang boses ni Mama, kahit wala naman siya, na nagsasabing, "Hay naku, Anak! Tinulak mo't hinigit, sa'yo pa rin nakakapit. 'Yan ang pag-ibig!"


-WAKAS-

** 

Ang maikling kwentong ito ay opisyal kong lahok sa Saranggola Blog Awards 6.